Forum

Monday, September 10, 2012

TO SWS: WE'RE NOT IDIOTS, NOR PNOY FANATICS!


To the Social Weather Stations (SWS):

The Filipino people are NOT IDIOTS, NOR PNOY FANATICS, to believe your latest survey showing the popularity/acceptance ratings of President Aquino at an all-time high (77 percent if I’m correct).

For the simple, or should I say COMMON SENSICAL, reason that THERE’S NOTHING, AS IN NONE, which can make a lot more of us love or accept Pnoy.

HINDI NAMAN BUMABA ang presyo ng mga pagkain at iba pang pangunahing bilihin.

WALA ring tigil ang pagtaas ng presyo ng langis at kuryente. Bababaan kunwari ng ilang sentimo ang presyo pero kung susumahin mo ay wala pa ito sa 10 o 15 porsiyento ng itinaas.

HINDI TUMATAAS ng makabuluhan ang suweldo ng mga manggagawa,  Nagbigay kunwari ng increase sa minimum wage pero parang limos na P20 lang.

Pulis na mismo ang nagsabi na TUMATAAS  ang bilang ng krimen, lalo pa sa Metro Manila.

TUMATAAS, HINDI BUMABABA, ang tuition sa mga iskuwela, pati ang halaga ng mga libro at iba pang gamit sa pagaaral. HINDI pa nalulujtas ang DAANG LIBONG kakulangan sa mga classroom at schoolbuildings.

Ilan nang kabarkada ni Pnoy ang NAAKUSAHAN ng KATIWALIAN, tulad ni Interior and Local Government Sec. Rico Puno at Assistant Transportation Sec. Zenaida Torres.

Pero KAHIT ISA, WALA SIYANG PINAIMBESTIGAHAN.

Sari-saring ulat na ang nagsabi na DUMAMI, HINDI NABAWASAN, ang mga naghihirap at nagugutom.

Hanggang ngayon, KAHIT ISANG INFRASTRUCTURE PROJECT tulad ng bagong daan, tulay o pier ay WALA pa ring natatapos ang gobyerno ni Pnoy, dalawang taon mahigit matapos siyang maging presidente.

And yet, the SWS claims that more Filipinos accept and love Pnoy now than before.

As the Americans say, give me a break, SWS.

Hindi pa NASISIRAAN NG BAIT ang nakararami sa mga Pilipino para mas marami pa sa amin ang magmahal kay Pnoy sa kabila ng pagiging INUTIL NIYA sa mga problema ng bayan.

At lalong hindi MASOKISTA, o mas gusto na nahihipan sila, ang nakakarami sa ating mga kababayan.

Isipin sana ninyong mabuti ito, mga kababayan.

DESPERADO at GARAPALANG PANLOLOKO na ito ng SWS, para mapaniwala tayong mas marami ang kakampi ni Pnoy kahit na wala pa siyang nagagawang buti sa bayan.

Sama-sama nating iparating sa SWS, pati na sa Malacanang, na MATINO pa rin ang ating pagiisip. 30



No comments:

Post a Comment

EVERYBODY IS WELCOME TO EXPRESS THEIR OWN OPINION ON THE ISSUE. But we discourage use of FOUL words.

Please be reminded that this blog is under COMMENT MODERATION, all comments will be reviewed before publishing. We have the right to reject any insolent comment.