With your permission, boys and girls, I’ll do this piece in Tagalog.
Sa mga nagbabalak sumama sa ‘people power’ rally kuno bukas na binubuo umano ni Social Welfare Sec. Dinky Soliman, SAGUTIN muna ninyo ang mga tanong na ito bago kayo magdesisyon:
Sa ilalim ng batas, ang isang tao ay pinapalaay na inosente hanggang hindi napapatunayang nagkasala.
May napatunayan na ba ng walang duda ang prosekusyon na pagkakasala ni Chief Justice Renato Corona ? Nadinig na ba ang panig o depensa ni Corona ?
Sinasabi sa batas na ang Senate Impeachment Court LAMANG, AT WALA NG IBA, ang magdedesisyon kung nagkasala si Corona o hindi. Nagdesisyon na ba?
Matatangap ba ninyo ang mahatulan at maparusahan agad sa anumang ibibintang sa inyo ng walang anuman o hindi tapos na paglilitis? Ng hindi man lang didinggin ang inyong panig?
Naniniwala, at gusto pa ba ninyo, ng demokrasya kung saan BATAS, LEGAL NA PROSESO at PANTAY NA KARAPATAN ng tao ang pinaiiral? Hindi tulad sa komunistang pamamalakad kung saan ang kagustuhan lamang ng mga namumuno ang nasusunod.
Mayroon na ba kayong nadinig na KAHIT ISANG MALINAW, DETALYADO at KATANGGAP-TANGGAP na paliwanag na tiyak na gaganda ang buhay nating Sambayanan kung mawawala si Corona sa Korte Suprema?
Kung sasama kayo sa rally na binubuo umano ni Dinky at nagkagulo, may garantiya ba kayo na may gagastos sa doctor o sa ospital kung kayo ay masasaktan?
Sa loob ng mahigit isa’t-kalahating taon ng pagiging presidente ni Pnoy, gumaan o gjumanda na ba ang buhay ng Sambayanang Pilipino?
Bumaba ba ang presyo ng mga pagkain? Gasolina? Gamot? Kuryente? Edukasyon? May narinig o nakita na ba kayong ginagawang kahit isang SOLUSYON si Pnoy para alinman sa mga ito?
May narinig o nakita na ba kayong KAHIT ISANG PROYEKTO O PROGRAMA, na TULUY-TULOY, para sa mahihirap mula nang maging presidente si Pnoy?
Uulitin ko lang ang isang bagay: Ang Conditional Cash Transfer ng DSWD ay orihinal na programa ni dating Pangulong Gloria Arroyo, hindi ni Pnoy o ni Dinky.
Pagisipan ninyong MABUTING MABUTI ang mga katanungang ito, mga kababayan. Kayo na ang humatol kung karapat-dapat ba o hindi na PAGAMIT KAYO kay Dinly, at kay Pnoy.
***
From the readers:
ANTI-CORONA RALLIES IN THE WORKS!
BERT SALON
I'm sure gagamitin nila ang mga artista ng ABS-CBN para makakuha ng mga tao.
JAIME BELTRAN
Sira ulo lang ang mga sasama sa rally ni Dinky Soliman!
JOE ALVARADO JR. of Makati
Lalabas ang pera so it will be good for the economy. Just get the money and run folks!
RICKY MATIAS of Omaha , Nebraska , USA
As usual, mga RENT a CROWD na naman karamihan diyan.
MEANN ESPIRITU
That’s pathetic!
MANUEL ESQUIVIAS of Toronto , Ontario , Canada
Me credibility pa ba si Dinky Soliman?
DANGER SIGNS FROM CORONA TRIAL PROSECUTORS!
EPOY ENRIQUEZ of Las PInas
"If it doesn't fit, you must acquit.” So someone else’s danger sign. The phrase became Johnny Cochran's mantra in trying to persuade jurors that the gloves tried on by OJ Simpson at his murder trial didn't fit and (testimonies) inconsistent and full of holes. 30