Liwanagin
lang natin ng husto: Hindi masama ang tumulong ang gobyerno sa mga
nangangailangang bansa kung makakatulong talaga an gating bayan.
Pero
KASUMPA-SUMPA kung ang gagawing pagtulong ay KAYABANGAN at pagpapapogi lamang,
lalo pa’t milyun-milyon sa mga kababayan
natin ang PATULOY NA NAGHIHIRAP at mas dapat bigyan ng mas malaking tulong.
Magpapautang
ang Pilipinas sa International Monetary Fund (IMF) ng $1 bilyon o mahigit P42
bilyon para matulungan ang ekonomiya ng ilang bansa sa Europa tulad ng Greece at Ireland .
Kabilang
sa mga katwiran ng Pnoy administration ay may mga kababayan tayong nagtatrabaho sa mga bansa sa Europa na kailamngan ng
tulong. Tutal naman daw, bayad na tayo
sa IMF.
Ngayon,
isipin ninyo ito, mga kababayan:
Gobyerno
mismo ni Pnoy ang nagsabi na ang utang ng Pilipinas, domestic at foreign, ay
umabot na sa P5 TRILYON, o humigit-kumulang sa $120 BILYON.
Kahit
na wala na tayong utang sa IMF, may utang pa rin tayo sa iba’t-ibang bansa o
mga financial institutions doon tulad ng japan at Amerika. At lahat ng mga utang na ito ay MAY INTERES.
Interes
na BUWIS NATIN ang PANGUNAHING IPINAMBABAYAD o pinanggagalingan ng pambayad.
Pero
sa halip na doon magbuhos ng malaking halaga si Pnoy para mabawasan ang interes
kahit kaunti, IBANG TAO MUNA ang bibigyan ng mas malaking ayuda ng gobyerno
kesa bansa natin.
Mas
mayayamang bansa kesa sa atin ang Malaysia
at Thailand .
Pero kahit sila ay $1 bilyon lamang ang ipapahiram sa IMF.
Kung
hindi NAGYAYABANG si Pnoy, bakit kailangang MAKIPAGSABAYAN ang Pilipinas sa mas
mayayamang bansa kesa sa atin? Hindi ba
puwedeng bawasan ang %1 bilyon?
Tiyak
namang HINDI lang ang $1 bilyong ipapautang ng Pilipinas ang lubusang
makapagsasalba sa mga nangangailangang bansa sa Europa.
Bangko
Sentral mismo ang nagpahayag na taong
2006 pa laang ay wala na tayong utang sa IMF, ibig sabihin, panahon ni GMA.
Pero walang naiulat noon na nagpautang ang gobyerno ni GMA ng $1 bilyon sa IMF.
Kaya
bakit kailangang maging kakaiba ni Pnoy, kung hndi siya nagpapapogi lamang sa mata ng IMF?
Kayang-kaya
naman daw ng Pilipinas na pautanfgin ng $1 bilyon ang IMF dahil mayroong $77
bilyon na reserbang pera ang Pamahalaan. Puwes, bakit kinailangang umabot ng P5 trilyon
ang utang ng bansa?
Ayon
daw sa batas natin, ang $77 bilyon ay hindi puwedeng ipampagawa ng mga daan,
tulay, eskuwelahan at iba pang
infrastructure projects.Pero isipin ninyo, mga kababayan, puwedeng ipautang sa
ibang tao.
Ewan
ko sa inyo pero ako, ngayon ko lang
nalaman na may reserba palang ganitong kalakiong pera ang Pilipinas.
At
wala akong narinig kahit minsan kay Pnoy na pagaralan man lang kung paano
maameyndahan ang batas para magamit kahit konti nito sa mga pangangailangan ng
ating mg akababayan.
Pero
uulitin ko, puwedeng ipautang sa ibang tao. Kung hindi MALAKING KATARANTADUHAN
ang tawag dito, puwedeng magsuggest ng iba ang kahit sino.
Isa
na namang MISERABLENG KATOTOHANAN sa sitwasyon natin ngayon, mga kababayan. 30
No comments:
Post a Comment
EVERYBODY IS WELCOME TO EXPRESS THEIR OWN OPINION ON THE ISSUE. But we discourage use of FOUL words.
Please be reminded that this blog is under COMMENT MODERATION, all comments will be reviewed before publishing. We have the right to reject any insolent comment.