Forum

Thursday, August 16, 2012

BOBO ANG UTAK NG GO KIDNAP STORY!


BOBO ang scripwriter ng drama ni Rolito Go na kinidnap sila ng kaniyang pamangkin noong Martes kaya siya nawala sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Isa ring TANGA itong si Go na pumayag magpagamit sa ganoong klaseng drama.

Una sa lahat: Sinabi ni Go na pinawalan sila ng mga kidnapers, at BINIGYAN PA NG PAMASAHE pabalik, nang mabatid ng mga ito na wala silang makukuhang ransom mula sa kaniyang pamilya.

Mga BETERANONG KIDNAPER lamang ang may lakas ng loob na dumukot sa isang katulad ni Go, kung siya man ay kinidnap.

At WALANG ESTUPIDONG beteranong kidnaper na bubuhay sa biktima at magbibigay pa ng pamasahe pauwi, para magkaroon ito ng pagkakataon na MAKILALA AT MAITURO sila sa mga alagad ng batas.

Pangalawa: Sinabi ni Go na dinala sila ng mga kidnaper sa bayan ng Sto. Tomas, Batangas.  IMPOSIBLE ito, pagbali-baligtarin man ang mundo.

Walang kidnaper na magsasabi sa kinidnap KUNG SAAN SILA NAROROON.

Huwag din namang sabihin ni Go na nakita niya ang dinaanan nila ng mga kidnaper kaya alam niyang nasa Sto. Tomas sila.

Kung talagang kinidnap si Go at ang pamangkin niya, tiyak na tinajpan ng mga kidnaper ang mga mata nila, o pinatulog sila habang nasa biyahe.

Walang kidnaper na gagawa ng anumang bagay na makapagbibigay ng clue sa biktima kung nasaan sila o saan sila papunta.

Pangatlo: Sinabi ni Go na gabi na nang kidnapin sila ng kaniyang pamangkin noong Martes ng apat na lalaking nagpakilalang mga National Bureau of Investigation (NBI) agents.

Kung talagang kidnaper ang apat, ni hindi na dapat nakapasok sa NBP reservation ang mga ito dahil LAGPAS NA SA ORAS NG DALAW sa mga presong tulad ni Go.

Pangapat: Kaya’t lalong KALOKOHAN ang sinabi ni Go inilabas sila ng mga kidnapers, sakay ng kotse ng kaniyang pamangkin, sa Gate 1 at hindi na ito chineck. MAS LALONG DAPAT ININSPEKSIYON ang kotse dahil gabi na, at hindi taga-roon kuno ang sakay.

Panglima: Kung talagang kinidnap sila ng kaniyang pamangkin ay DAPAT NA SUMIGAW ng ‘saklolo’ si Go sa Gate 1 dahil may mga ARMADONG GUWARDIYA naman doon.

Panganim: Alam ng Sambayanang Pilipino na ilang taon nang nakakulong, at HINDI NAKAPAGHAHANAPBUHAY, si Go dahil sa pagkakapatay nito kay Eldon Maguan noong 1993.

Dahil hindi ito nakapagha-hanapbuhay, WALA ITONG PERA. WALANG PERANG MALAKI, pati na ang pamilya ni Go.

Kaya’t bakit pa siya pagiinteresang kidnapin ninuman?

Wala bang MAS MAHUSAY na scriptwriter o SINUNGALING? Iyung kapani-paniwala?
Mr. Go, may cancer ka na nga. Bale bilang na ang oras mo dito sa mundo. AYAW MO PANG MAGTINO?

Derecho ka kay Taning sa ilalim ng lupa pag namatay ka. Ikaw rin.
                                                                        ***

From our readers:

SUSPEND CARABUENA’S DRIVER’S LICENSE, INDEFINITELY!

LETTY SALVADOR ARCILLA
Pustahan, walang mangyayari diyang positibo. Biglang maglalaho sa media yan at mababaon sa limot. Ganyan ang Penoy administrasiyon, may kinikilingan.

MAS MAKATAO SIMARCOSKES AKAY PNOY!

FLORA LANDICHO
Tinaya natin ang buhay natin sa EDSA 1, wala tayong napala. Sila an gang nagpakasarap.

RICO CONSUMO GARCIA of San Rafael, Bulacan
Kapag makatao ang isang tao, kalulugdan siya ng ating Panginoon sa kabilang buhay. Balintuna sa nagkukunwang maka-Diyos sa harap ng tao, Sa impyerno bagsak ng mga iyan. 30

No comments:

Post a Comment

EVERYBODY IS WELCOME TO EXPRESS THEIR OWN OPINION ON THE ISSUE. But we discourage use of FOUL words.

Please be reminded that this blog is under COMMENT MODERATION, all comments will be reviewed before publishing. We have the right to reject any insolent comment.