Ngayon, magkakaalaman kung
sino ang TUNAY NA MAKAMAHIRAP sa mga senador at congressman natin.
Tingnan natin kung sino
ang unang hihiling ng Senate o House investigation para sa pagpapautang ng
Pilipinas ng $1bilyon, o mahigit P42 BILYON, sa International Monetary Fund
(IMF).
Sa ngayon, WALA AKONG
NARIRINIG KAHIT ISA na naghain na ng resolusyon para maliwanagan ng husto ang
mga sumusunod:
Unang una: ANO ANG
NAGING BASEHAN ni Pnoy para $1 bilyon ang ipautang sa IMF?
Ayon sa mga balita, si
Pnoy mismo ang nagutos na $1 bilyon ang ipautang sa IMF. Pero
tulad ng alam nating lahat, HINDI SIYA BANKER o EKONOMISTA. Kaya’t ANO
ANG KARUNUNGAN O KAKAYAHAN niya para gumawa ng ganoong klaseng desisyon?
Pangalawa: Kung may
nagrekomenda lamang kay Pnoy na gawing $1 bilyon ang ipautang, sino ito at ano
ang QUALIFICATIONS?
Pangatlo: Ayon sa mga
ekonomista, MAAARI SANANG GAMITIN ang $1 bilyon bilang pambayad ng Pilipinas sa
sarili nitong pagkakautang sa loob at labas ng bansa, na gobyerno mismo ang
nagsabing umabot na sa P5 trilyon.
BAKIT HINDI ITO ANG
GINAWA NG GOBYERNO? Bakit INUNA pa ang kapakanan ng mga bansang gustong
tulungan ng IMF?
Sa ginawang pagpapautang
sa IMF, LUBUSANG BINALE-WALA ng Gobyerno ni Pnoy ang SAMBAYANAN sa perang tayo
dapat ang mas higit at maunang makinabang.
Pangapat: Bakit hindi na
lang mas maliit sa $1 bilyon ang ipinahiram?
Panglima: Bakit pumayag
ang Gobyerno ni Pnoy sa 3 percent interes lamang? Ayon kay professor at dating
Budget Sec. Benjamin Diokno, pumapayag ang Pilipinas sa 4 percent na interes
pag umuutang tayo sa Asian Development Bank.
Panganim: Anu-ano
ang LAHAT NG KONDISYONES ng pagpapautang natin sa IMF? Ano pa ang mapapala
natin bukod sa interes?
Isipin ninyo, mga
kababayan, WALA tayong naririnig mula kay Pnoy o sinuman kung anu-ano ang mga
kondisyon ng pagpapautang ng $1 bilyon sa IMF.WALA tayong kasiguruhan kung
talagang kikita ang bansa o LUGI PA KUNG TUTUUSIN sa ilang kondisyon ng IMF na
HINDI NATIN ALAM.
Pampito: Ayon sa
Bangko Sentral, sa ilalim ng batas ay hindi puwedeng gamitin ang $1 bilyon sa pagpapaagwa
ng mga daan o tulay o iba pang proyektong kailangang-kailangan ng bansa.
WALA bang anumang
paraan para magamit kahit konti doon sa $1 bilyon o P42 bilyon para sa mga
pangangailangan ng bayan?
Isiupin ninyo, mga
kababayan: ilang classrooms o scholarships para sa mga batang mahihirap ang
mapapagawa o mapopondohan, ilang kalsada
o patubig ang maipapaayos o maipapagawa, ilang pabahay ang maipapatayo at iba
pa ang magagawa kung kahit P5 bilyon man lamang doon sa P42 bilyon ang
magagamit para sa Sambayanan?
***
From our friends:
IF ATYANI DIES OR
GETS HURT, BLAME ROBREDO!
EDGARDO ADOCAL
That's incompetence
to the max. Let me borrow Donald Trump's words: “Robredo..."you're
fired!"
RAOUL EDCEM of
Jeddah, Saudfi Arabia
Robredo walang alam.
Parang hostage nuon sa Luneta, inuulit lang.
EDITH GERONA
Incompetent,
incompetent, incompetrent.
CATHERINE LOPEZ of Manila
And Penoy too!
JOSH ABNIR
It was reported that this journalist did not
coordinate with local authorities. Who then should be blamed? 30
No comments:
Post a Comment
EVERYBODY IS WELCOME TO EXPRESS THEIR OWN OPINION ON THE ISSUE. But we discourage use of FOUL words.
Please be reminded that this blog is under COMMENT MODERATION, all comments will be reviewed before publishing. We have the right to reject any insolent comment.